almost tolkien
Tuesday, April 26, 2005
Inuman Session

Image hosted by Photobucket.com

o O o


habang nag-iisip ako ng gagawin kong show, ipapakita ko muna ang unang video shoot na ginawa namin ng pinsan ko, isa uli itong test. medyo malaki kasi ang mga files kaya naghanap ako ng bagong fileserver. ang video na makikita nyo ay ang INUMAN SESSION namin kung saan ikinikwento ng pinsan ko ang lovelife nya kasama ang isang di nya makali-kalimutang babae. pasensya na at madilim ang video, wala kaming lightman eh, sa susunod na lang. pasensya din sa quality ng video, pinaliit ko talaga yan para magkasya sa uploading. kaya eto, panoorin nyo na!

o O o

at tulad ng pangako namin sa video, eto ang mga link sa friendster ng mga taong nabanggit:
elou
lanie
roy (kimpoy)
ynah (czarina)
dennis
nanay ko
prenster ko

o O o

posted by j.r.r. @ 11:59   1 comments
Monday, April 25, 2005
test video

Image hosted by Photobucket.com

Video provided by
Almost Tolkien

o O o

balak kong gumawa ng weekly blog show dito, kahit anong topic basta show, kahit mga 30 Minutes or less lang. isip pa ako kung paano. sa ngayon, test ko muna yung video tag para sa pag-play ng videos. ang video sample ko ay kuha noong election fever, ang araw na nagpunta si Ping Lacson sa Antipolo. Hohan, totoo yan, hindi ako superimposed tulad ng iniisip mo dati, hehehe.

posted by j.r.r. @ 00:52   0 comments
Friday, April 15, 2005
manilyn reynes

hello kay art na may blog na rin at nasa links section ko na. tungkol sa tanong mo art kung napanood ko ba yung Gintong Kristal starring Manilyn Reynes at kung saan unang lumabas si Ana Roces, hindi ang sagot. wala ni isang alaala ang utak ko tungkol sa show na iyon. kungsabagay, di ko naman masyado gusto si Manilyn Reynes, kaya ko lang naman pinaood ang Feel na Feel noon ay dahil sa bakanteng lote ito ng LORES noon ini-shoot. natatandaan ko pa, papunta kami ng Nayong Silangan nang madaan kami dito. Nakita ko yung Giant Bird na sinakyan ng Gutierrez Twins. fantasy ba itong gintong kristal na ito?

o O o

speaking of fantasy, inaabangan ko ngayon ang Encantadia ng GMA7, kung nakita nyo na ang teaser ng apat na kaharian, makikita nyong sa HATHOR (ang masamang kaharian) ay nandoon si PEN MEDINA. astig talaga itong aktor na ito, lalo na kung kontrabida!

o O o

sa pagdating ng Encantadia sa telebisyon, naglipana na talaga ang fanataserye sa ere. ang mabigat dito, primetime pa sila. naalala ko nung bata ako, may mga ganito nang palabas sa tv, kaso, hindi sila primetime at araw-araw, weekly lang. ang pinakauna kong natatandaan na fantasy pinoy show ay ang Kapitan Kidlat kung saan bida si Ricky Davao, kasabayan nya noon si Zarda na pinangungunahan naman ni , ni, nakalimutan ko na, pero mayamaya maalala ko rin yan. basta nagbalik na sya sa isang teleserye dati bilang kontrabida. maliban sa mga shows na ito, nandyan ang OK Ka Fairy Ko na binigyan tayo ng tatlong full length motion pictures na tumabo talaga sa takilya. nandyan din ang anniversary gift ng ABSCBN noon na weekly fantasy shows kung saan kabilang ang SUPER PINOY starring Robin Padilla. kasama nito ang tatlo pang show na yung isa ay tungkol sa isang alien na bumagsak sa lupa, may isa pa, at yung huli ay tnungkol sa isang anghel na di makakabalik sa langit hanggat di natatapos ang misyon. bida dito si Manilyn Reynes (ayan na naman si manilyn, ito kaya ang sinasabi mo art? ang Earth Angel?)

marami pang fantasy shows noon na kahit na lowtech ang effects any bentangbenta sa akin dahil bata pa ako. naalala nyo pa ba yung DAYUHAN starring Hero Bautista? palabas ito sa RPN9 noon, na sa di ko malamang dahilan ay laging may eksena sa talahiban. nagpalabas din ang RPN9 ng isang weekly fantasy show starring Monsour Del Rosario, ang WARIWARO. tungkol naman ito sa mga nilalang na nasa ilalim ng lupa. grabe ang mga nilalang dito dahil puppet sila. at halatang puppet sila dahil sa isang episode ay sira ang tahi ng isang uod-like creature kaya lumalabas ang bulak nito. (ngapala, sa buong buhay ko ng panood ng tv, sa lahat ng channel, ang RPN9 ang hindi nagpalit ng style ng logo nila.)

o O o

sa paglipana ng mga shows na ito, hindi ko tuloy maisip kung itutuloy ko pa ang librong sinusulat ko. kung ibenta ko na lang kaya ang story na yun para maging fantaserye? di hamak naman na mas maganda ang story ko kesa na plot ng Encantadia (hehehe yabang!).

o O o

napaginipan ko na naman si Tondo kagabi, galit na galit na. kelan ba daw sila lalabas. hehehe, nagaalala na siguro. kahit ako ay nagaalala na. mukhang nakakalimutan ko na ang mga importants points at kung anuano pang elements ng story nila. tagal ko nang hinahanap yung draft ko at di ko makita. mukhang kailangan ko nang magsimula uli. mula sa mga natitira sa isip ko. sayang namankung hindi mabibigyan ng buhay ang mga karakter na ito. kaya eto, ipapakilala ko na sila.

Tondo - siya ay isang local thief, walang kinilalang pamilya kaya lumaki sa lansangan. isa syang robin hood sa lugar nila, kilabot sa mayayaman at bayani ng maliit na tao. isang matalino at napakamaparaang tao.

Laccan - sya ang tagapagmana ng trono sa kaharian nila. maagang tinalikuran ang kanyang kabataan dahil sa responsibilidad na haharapin matapos mamatay ang kanyang Amang Hari at mawala ang nakakatandang kapatid na Prinsipe.

Lahis - isang di maintindihang tao. isa sya sa mga pinakamagaling na chef sa kaharian ngunit tinalikuran ang trabaho sa palasyo upang magtayo ng sariling negosyo na hindi naman kumikita (puro libre ang nangyayari dahil sa pagbibigay nya sa mahihirap). may paninindigang pakiramdam nya ay kailangan nyang alagaan ang lahat ng tao.

Bato - batang kalye. pitong taon pa lang ngunit parang kwarenta anyos na mag-isip. kabisado nya ang pasikotsikot sa buong bayan, saaang sulok man o kahit sa ilalim pa. makulit, matigas ang ulo, hindi sya pumapayag na matalo kahit saang pagsubok, malaki man o maliit.

Maya - isang simpleng dalaga, tahimik. di matanggap ang kinagisnang buhay. sya ay anak ng sikat na babae sa lugar nila, sikat dahil sa pinakamatandang propesyon.

o O o


posted by j.r.r. @ 14:26   4 comments
Tuesday, April 12, 2005
about:mozilla

And so at last the beast fell and the unbelievers rejoiced. But all was not lost, for from the ash rose a great bird. The bird gazed down upon the unbelievers and cast fire and thunder upon them. For the beast had been reborn with its strength renewed, and the followers of Mammon cowered in horror.

from The Book of Mozilla, 7:15

o O o

nakita ko sa prenster na may blog na si conrad panganiban (kaklase ko sya). conrad, link kita, link mo din ako. sa mga tao, suggest ko rin na bisitahin nyo sapagkat marami kayong matututunan mula sa taong ito.

o O o


nanood ako ng tv kagabi. ano kaya ang susunod na wave of telenovelas na darating pagkatapos ng fantaserye/telefantasya (depende kung kapamilya o kapuso ka) wave? naalala ko, nagmula ang lahat ng ito sa noontime soaps after eat bulaga. basta eat bulaga, channel nine pa yata sila nun. kung tama ako (or baka yun lang ang naabutan ko) ang soap after eat bulaga noon ay ang HEREDERO kung saan kasama ang yumaong si Helen Bela. nung 1988, nagpakita ng 4 na dragon icons ang Channel 2, THE STAR NETWORK. sinabi nila na may apat na dragon darating sa Dos. Yun pala ay yung EAT BULAGA, CONNEY REYES ON CAMERA, at may dlawa pa, di ko na alam kung ano. nang nasa DOS na ang eat bulaga naglabasan na ang mga soap tulad ng Annaluna, Mara Clara, etc. Nung lumipat naman sila sa syete, Agila, Valiente, etc. di ko maalala kung kelan nagsimula ang primetime telenovelas pero bago iyo, meron munang La Traidora ang RPN9. ito ang pioneer ng lahat ng mexican soaps. sumikat lang naman ang mexican soaps sa pagpapakilala sa telebisyon ni Marimar, si Thalia. sa tingin ko nga, dapata di natin isama si Thalia sa wave of mexiacn telenovelas, may sarili dapat sya. anyway, after mexico (at mga ibang teleseryeng latin-american) napadpad tayo sa primtime teleseryes. astig to dahil primetime na, pinoy pa. dito na natin nakilala ng husto sina Judy Ann, Claudine, Tin Tin at Echo (sensya na wala akong kilala sa GMA eh, ah si Angelika pala! na taga-dos din dati at nasa dos na uli). habang pinalalabas ang teleseryes na ito, pinakilala ng DOS ang chinese drama sa pamamagitan ng Meteor Garden (pasintabi sa mga nagpakilala ng Amazing Twins, pero matagal na ang ganyang show noon sa channel 9 at 13 tuwing linggo ng umaga at tanghali). patok ang Meteor Garden, kaya walang nagawa ang GMA kundi kumuha ng sarili nilang chinovela, ang MVP Valentine. patok din! dahil sa success ng chinovelas na ito, nagexperiment sila, sinubukan nilang ilagay sa primetime ang mga ito at sila ay tumama. ng mga panahong iyo ay pinapalabas ng GMA ng Endless Love, wag mo na itanong kung 1,2 o 3 dahil lahat yun patok. dahil dito, gumawa ng hakbang ng DOs kung saan magpapakilala sila ng panibagong style, yung paptok sa masa at dyarannn! napunta na tayo sa FANTASERYE WAVE sa pamamagitan ng MARINA. nagsisunuran na ang MARINARA, KRYSTALA, SPIRITS at syempre, ang astig na MULAWIN. ngayon ay marami pang darating na mga fantaserye/telefantasya na based sa old school pinoy literature. dumating na ang DARNA, susunod ang PANDAY. balita rin ang KAMPANERANG KUBA. may ENGKANTADIA pa ang GMA. mukhang mabubusog tayo nito sa special effects at colorful costumes. maliban pa dun, nandyan pa rin ang plots na mag-ina, magkapatid o basta magkamaganak na magiging magkalaban, ang mga sitwasyon kung saan may magkakaroon ng amnesia, may mga darating na bagong character na manggugulo lang ng storya, may kontrabida na kakampi sa bida, may kaibigan ng bida na babaliktad, may mamamatay o mawawala na hindi pala patay tapos ay magbabalik, may mang-aagaw ng partner, at habang inaagaw ang partner ay may bagong partner na darating at marami pang iba na paulit-ulit na. sa pagikot lang sa ganitong plot ng mga shows na ito, di ka magtataka kung bakit di pa rin nawawala ang mga mexican soaps kung saan lahat ng babae ay maganda ( labyu rubi!) at mga asianovela na fastpaced ang story.

dapat matuto na ang mga tv stations, nakakasawa na ang palabas sa tv, manonood na lang ako ng DVD... ng Meteor Garden... pwede ring Lovers in Paris.

o O o


posted by j.r.r. @ 09:38   1 comments
Monday, April 11, 2005
the pope is dead
tulad ng title ng post na ito, ang blog na ito ay huli sa balita. ang tagal ko nang hindi ina-update. bakit? ewan ko. wala akong maisip na maisulat.

o O o

nung sabado ay bininyagan ang anak ni arbey na si KLINT ROBB ALLEN. di nga lang ako nakapunta dahil may ibang lakad ako. first birthday party din iyon ng anak ni ted na si FERN at di rin ako nakapunta. eto ang mga pic ng mga batang nabanggit.

Image hosted by Photobucket.com



o O o

tulad ng ibang taong walang maisip na isulat, ang paglalagay ng mga pictures din ang palusot ko para lang malagyan ng post ang blog na ito. dapat kasi, ilalagay ko sa blog na ito ang mga draft ng chapters na kuwentong aking sinusulat. sa kasamaang palad, di ko pa nakikita ang mga yellow paper kung sann ko sinulat ang aking katha. until then, baka puro pictures or whatever ang ilagay ko dito.

o O o

kamusta kay yeni o henlin na natagpuan na ang blog ko, ililink na kita, sana ilink mo rin ako. ngapala, dvd hihiram ka?


posted by j.r.r. @ 13:39   0 comments
About Me

"Being Machiavellian need not imply cruelty, hostility, or manipulation for its own sake. Rather, the Machiavellian is willing to be so, without the burden of external standards of virtue to achieve legitimate goals."

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing photos in a set called WEDDING. Make your own badge here.
Previous Post
Archives
Shoutbox

"Just what do you think you're doing Dave?"

Sponsor

Links
"My God, it's full of stars!""
""Dave...my mind is going...I can feel it...I can feel it.""

    www.flickr.com
    This is a Flickr badge showing photos in a set called Baguio 2006. Make your own badge here.

    Powered by Blogger

    Get Firefox!

    Photobucket!!!

Powered by

15n41n1

BLOGGER