hello kay art na may blog na rin at nasa links section ko na. tungkol sa tanong mo art kung napanood ko ba yung Gintong Kristal starring Manilyn Reynes at kung saan unang lumabas si Ana Roces, hindi ang sagot. wala ni isang alaala ang utak ko tungkol sa show na iyon. kungsabagay, di ko naman masyado gusto si Manilyn Reynes, kaya ko lang naman pinaood ang Feel na Feel noon ay dahil sa bakanteng lote ito ng LORES noon ini-shoot. natatandaan ko pa, papunta kami ng Nayong Silangan nang madaan kami dito. Nakita ko yung Giant Bird na sinakyan ng Gutierrez Twins. fantasy ba itong gintong kristal na ito?
o O o
speaking of fantasy, inaabangan ko ngayon ang Encantadia ng GMA7, kung nakita nyo na ang teaser ng apat na kaharian, makikita nyong sa HATHOR (ang masamang kaharian) ay nandoon si PEN MEDINA. astig talaga itong aktor na ito, lalo na kung kontrabida!
o O o
sa pagdating ng Encantadia sa telebisyon, naglipana na talaga ang fanataserye sa ere. ang mabigat dito, primetime pa sila. naalala ko nung bata ako, may mga ganito nang palabas sa tv, kaso, hindi sila primetime at araw-araw, weekly lang. ang pinakauna kong natatandaan na fantasy pinoy show ay ang Kapitan Kidlat kung saan bida si Ricky Davao, kasabayan nya noon si Zarda na pinangungunahan naman ni , ni, nakalimutan ko na, pero mayamaya maalala ko rin yan. basta nagbalik na sya sa isang teleserye dati bilang kontrabida. maliban sa mga shows na ito, nandyan ang OK Ka Fairy Ko na binigyan tayo ng tatlong full length motion pictures na tumabo talaga sa takilya. nandyan din ang anniversary gift ng ABSCBN noon na weekly fantasy shows kung saan kabilang ang SUPER PINOY starring Robin Padilla. kasama nito ang tatlo pang show na yung isa ay tungkol sa isang alien na bumagsak sa lupa, may isa pa, at yung huli ay tnungkol sa isang anghel na di makakabalik sa langit hanggat di natatapos ang misyon. bida dito si Manilyn Reynes (ayan na naman si manilyn, ito kaya ang sinasabi mo art? ang Earth Angel?)
marami pang fantasy shows noon na kahit na lowtech ang effects any bentangbenta sa akin dahil bata pa ako. naalala nyo pa ba yung DAYUHAN starring Hero Bautista? palabas ito sa RPN9 noon, na sa di ko malamang dahilan ay laging may eksena sa talahiban. nagpalabas din ang RPN9 ng isang weekly fantasy show starring Monsour Del Rosario, ang WARIWARO. tungkol naman ito sa mga nilalang na nasa ilalim ng lupa. grabe ang mga nilalang dito dahil puppet sila. at halatang puppet sila dahil sa isang episode ay sira ang tahi ng isang uod-like creature kaya lumalabas ang bulak nito. (ngapala, sa buong buhay ko ng panood ng tv, sa lahat ng channel, ang RPN9 ang hindi nagpalit ng style ng logo nila.)
o O o
sa paglipana ng mga shows na ito, hindi ko tuloy maisip kung itutuloy ko pa ang librong sinusulat ko. kung ibenta ko na lang kaya ang story na yun para maging fantaserye? di hamak naman na mas maganda ang story ko kesa na plot ng Encantadia (hehehe yabang!).
o O o
napaginipan ko na naman si Tondo kagabi, galit na galit na. kelan ba daw sila lalabas. hehehe, nagaalala na siguro. kahit ako ay nagaalala na. mukhang nakakalimutan ko na ang mga importants points at kung anuano pang elements ng story nila. tagal ko nang hinahanap yung draft ko at di ko makita. mukhang kailangan ko nang magsimula uli. mula sa mga natitira sa isip ko. sayang namankung hindi mabibigyan ng buhay ang mga karakter na ito. kaya eto, ipapakilala ko na sila.
Tondo - siya ay isang local thief, walang kinilalang pamilya kaya lumaki sa lansangan. isa syang robin hood sa lugar nila, kilabot sa mayayaman at bayani ng maliit na tao. isang matalino at napakamaparaang tao.
Laccan - sya ang tagapagmana ng trono sa kaharian nila. maagang tinalikuran ang kanyang kabataan dahil sa responsibilidad na haharapin matapos mamatay ang kanyang Amang Hari at mawala ang nakakatandang kapatid na Prinsipe.
Lahis - isang di maintindihang tao. isa sya sa mga pinakamagaling na chef sa kaharian ngunit tinalikuran ang trabaho sa palasyo upang magtayo ng sariling negosyo na hindi naman kumikita (puro libre ang nangyayari dahil sa pagbibigay nya sa mahihirap). may paninindigang pakiramdam nya ay kailangan nyang alagaan ang lahat ng tao.
Bato - batang kalye. pitong taon pa lang ngunit parang kwarenta anyos na mag-isip. kabisado nya ang pasikotsikot sa buong bayan, saaang sulok man o kahit sa ilalim pa. makulit, matigas ang ulo, hindi sya pumapayag na matalo kahit saang pagsubok, malaki man o maliit.
Maya - isang simpleng dalaga, tahimik. di matanggap ang kinagisnang buhay. sya ay anak ng sikat na babae sa lugar nila, sikat dahil sa pinakamatandang propesyon. |
nanonood ka ba koya ng sshhphiriiitsss?