almost tolkien
Tuesday, March 01, 2005
bb

dahil sa request ni sarli ay sinubukan kong maglaro ng gunbound, tutal may dsl naman eh. nakakaaliw din sya, kung di ka pa nakakapaglaro ng Worms 3D, mamamangha ka sa larong ito.

o O o

natutuwa naman ako sa sari-saring tao na naglalaro ng game na ito, particular na ang isang batang itago na lang natin na pangalang samboy. itong batang ito eh sobrang tabil ng dila. bb nang bb, sawsaw, no match, at kung anu-ano pang mga salita ang pinagsasabi nya. buti na lang at di ko naiintindihan ang mga yun. gayun pa man, alam ko sa tono nito na di maganda ang pinagsasabi nya kaya pinatulan ko na rin. ang resulta, umalis sa room si samboy. samboy my man, ang pikon ay laging talo. at ang bata ay walang binatbat sa mas nakakatanda. kahit mag-ingles ka pa, wala sa kalahatian ng alam ko ang laman ng kukote mo na sigurado akong narinig mo lang naman sa tv. at eto pa, kung totoong top3 ka sa school, mabuti, kung hindi, dream on. sa mga pinaggagawa mo, sigurado akong pagtungtong mo ng college eh sa kangkungan ka pupulutin. kawawa ka naman, samboy, mr. injury man! hehehe.

o O o

on a lighter note, marami rin palang astig dumiskarte sa larong ito. "hi, female ka sa totoong buhay?" HAHAHA, halos mahulog ako sa upuan sa tawa. manligaw daw ba sa gunbound? pre, sa OZ ka magpunta, at mag-ala-Burnout ka na lang. Go Sugarfree!

o O o

share ko lang, bagong ahit ako ngayon.

posted by j.r.r. @ 18:55  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
About Me

"Being Machiavellian need not imply cruelty, hostility, or manipulation for its own sake. Rather, the Machiavellian is willing to be so, without the burden of external standards of virtue to achieve legitimate goals."

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing photos in a set called WEDDING. Make your own badge here.
Previous Post
Archives
Shoutbox

"Just what do you think you're doing Dave?"

Sponsor

Links
"My God, it's full of stars!""
""Dave...my mind is going...I can feel it...I can feel it.""

    www.flickr.com
    This is a Flickr badge showing photos in a set called Baguio 2006. Make your own badge here.

    Powered by Blogger

    Get Firefox!

    Photobucket!!!

Powered by

15n41n1

BLOGGER