Saturday, February 26, 2005 |
cellphone problems? |
o O o
kung taga-antipolo ka, dito ka na!
o O o
|
posted by j.r.r. @ 12:50 |
|
|
Friday, February 25, 2005 |
Photobucket |
This is a test post from Photobucket.com test successful, yebah! rakenrowl!
|
posted by j.r.r. @ 11:50 |
|
|
|
"this is MY house." |
just finished watching Ghost House, a Korean Horror/Comedy starring Irene ng GMA7. astig. ang ganda nya, pero ang payat!o O o
latest dvd's: - Cujo
- Amistad
- Sex And Lucia
- 2046
- Ghost House
Pritnam hit some keys and turned on the large screen. It showed a surveillance video of a small room with no windows. In the center of the room was a metal table with a small bottle on top of it. A figure stood up and walked to the door. It turned and walked back then the bottle fell from the table. “It could have easily shoved the bottle!” roared Gen. Winters. “How can you be sure it didn’t? You could barely see anything in there!” Pritnam hit some keys again. The monitor now showed the video and a graph in a split screen. He continued to explain. “If we look here, we could easily tell the units brainwaves parallel to his actions. This file video is from earlier last month which shows the unit shoving the bottle. Now look at today’s video. Goggles please.” The screen almost blinded the men as the graph flashed. “What was that!?” the general shouted rubbing his eyes. “That was it sir.” Pritnam answered with a smile. “I tried to tell you. This afternoon, we saw a dramatic change in the pattern when he – it, purposely “pushed” the bottle off the table.” “I don’t get it” nodded the general. “George my friend,” smiled Dr. Kim as he handed the general a cigar, “I hope you like bending spoons.”
o O o
high school na yata ako nun, magkasama kami sa kwarto ng kapatid ko at doubledeck ang kama namin, usually sa taas ako pero ewan ko kung bakit sa baba ako nakatulog. parallel sa dingding ang kama at nakadikit ito. katapat ng dulo nito ay ang pinto. kapag natutulog ako, ulo ko ang nasa dulong may pinto, masama daw kasi ang nakatapat ang paa sa pinto kung matutulog. kahit medyo di na ako naniniwala sa mga kasabihan at pamahiin, sinusunod ko pa rin dahil nakasanayan na. lagi akong ganun matulog. pero nung gabing yun, ewan ko kung bakit bumaliktad ako.
sa kalagitnaan ng pagtulog ko, lagi ako nagigising sa madaling araw, mga disoras na. at hindi exception (ano ba tagalog nito?) ang gabing yon. nagising ako at gulat ako dahil madilim! brownout? nakatagilid ako matulog kaya madaling bumaba ng kama. bumangon ako ngunit nang bababa na ako, solid na kadiliman ang humarang sa akin. ano ito?!? tumayo ang mga balahibo ko at nanlamig ang pakiramdam ko sa sindak. gusto kong sumigaw ngunit walang lumalabas sa aking mga labi. kinapa ko ang nakaharang sa akin, malamig, pader ito. pero bakit may pader, nasaan ako? naninikip na ang dibdin ko sa takot, kaba at kung anong pagaalala. lalaban na ako at handa nang ibigay ang lahat para sa isang sigaw nang sumibol ang katinuan sa utak ko. untiunti akong tumalikod at nakita ko ang kabuuan ng aming kwarto. baliktad ngapala ako nakatulog. imbis na sa nakatalikod ako sa dingding ay nakaharap ako dito. salamat, nakahinga na ako nang maluwag.
mula noon, hindi na ako natutulog nang nakatapat ang paa sa pinto. totoo pala ang kasabihan.
|
posted by j.r.r. @ 01:44 |
|
|
Wednesday, February 23, 2005 |
bakit |
tagal pala na hindi ako nag-post. ano ba ginawa ko ng mga huling araw? kahit yung mga dvd ko na bagong bili eh hindi ko pa napapanood. o O o
nung 19 Feb pala ay hinatid namin sa airport ang ate ko papuntang tate. sa oxnard, california. nandun kasi ang kanyang stateside na asawa na si Manong Jerrold (ilokano kasi pamilya nila), dugong ilokano, tubong hawaii, california dude. sana ay masaya sila dun. anyway, nagpa-roaming ang ate ko sa Globe pero pagdating sa tate ay wala siyang signal, tumawag ako sa globe at sabi nila, feb 17 pa daw activated ang roaming nya, kaya kung ano ang problema itawag na lang daw ng Ate ko sa +6327301212 via landline collect. aba, eh lagi daw busy sabi ng Ate ko. kung ganun eh ipadala na lang nya uli dito yung mga callcards na supply nya at mag-apply na lang sya ng linya doon. o O o
kaka-commercial lang ng Special Assignment sa dos, pinakita yung locate feature ng Smart (smart lang namana ng meron nito). nabuko kasi ng isang mister ang kanyang misis na nagangaliwa dahil dito. huli daw si misi na nakikipaghalikan sa sinehan. Misis, sa susunod, kung magloloko ka, patayin ang cellphone, ok? wahahaha! oh kaya madali lang yan, i-unauthorize mo si Mister sa cellphone mo, just type WIS DEL Mister then send to 288, and voila! di ka na nya pwede ilocate. bantayan mo lang mabuti at baka pag tulog ka ay kunin uli ni mister ang cellphone mo at i-authorize ang sarili nya.
o O o
ok talaga itong dsl, download lang ako ng kung ano at buburahin after. nakakuha ako ng mga pinakaaasam kong mga dvd features na wala sa quiapo. burn na lang ng burn. di lang yan, pati yung mga albums ng fave kong artist ay nasa cd na. pero di naman yun piracy, meron ako nung mga yun sa cassette na orig, pero dahil cd era na, mas ok cd di ba? bakit kanyo cassette lang binili ko? masyado mahal ang cd noon no! ang mga paborito ko naman ay mga datihan pa, nirvana, blur, basta 90's rock, alternative, grunge, etc.o O o
dami ko nababasa na sayang daw dahil di nakasama si Sharon Galvez sa American Idol, tanong ko lang, bakit American ba siya? o O o
nakita nyo ba yung commercial ng shampoo kung saan nageskandalo yung bata nang hilahin ng isang batang lalaki yung ipit nya sa buhok? yung nanay naman nya, pal at agaw eksena sa paglugay ng buhok. ano kaya naramdaman ng bride? kung ako sa kanila, sisipain ko palabas ng simbahan ang dalawang yun! pero di mangyayari yun dahil sisiguruhin kong matino ang kukunin kong mga abay, walang iiyak-iyak, ang sumira sa marcha sa aisle, di makakapasok sa reception. o O o
salamat pala sa nag-link sa blog ko, kina nescafe_ice13 at masterchoi ng peyups. |
posted by j.r.r. @ 12:29 |
|
|
Thursday, February 17, 2005 |
"ahh, but you have heard of me!" |
gusto ko talaga yung role ni johnny depp sa Pirates bilang jack Sparrow. Cool. aabangan ko yung second installment ng pelikulang ito.
o O o
speaking of pirates, kainis talaga tong OS ko, pirata kasi, kaya nung nag-update, aba, humingi na ng activation! hehehe, bahala siya, binago ko na lang uli. naka-XP SP2 na ako. oh well, kasalanan ko rin, naging update-happy ako dahil mabilis na koneksyon ko sa net. sa ngayon, nagd-download ako ng Office XP sa iMesh. malapit na nga matapos eh. updated na rin yung aking Nero, windvd, media player, quicktime, etc.
speaking of updated, may bago na palang chikka messenger, supported na niya ang MMS, kaya lang may charge, at di mo makita yung mode of payment na pipiliin. ganun ba talaga, o mali lang ang pas-install ko? paki-check naman, thanks.
o O o
matagal na akong nagp-phone hunting, ito ang mga pagkakasunod-sunod ng mga model ng phones na ginusto ko ayon sa itsura at features nila. syempre nage-evlve din yan, pati brand!
- Nokia 5510
- Nokia 8310
- Nokia 3300
- Samsung E700
- Sony Ericsson k700i
- Samsung E800
- Samsung D410
- Samsung D500
yung latest yung D500, asitg yan! check it out sa gsmarena website, search nyo na lang kung saan yun, tinatamad akong gumawa ng link.
o O o
balik tayo sa pirata, hinuhuli na daw pati mga bumubili ng pirated dvd's. huh? paano yun? kung nagkataon palang nire-raid ang store eh bibitiwan ko lahat ng dvd na nakuha ko? pano kung bayad na? pwede rin namang makisabay sa komosyon at umiskor ng sangkatutak na dvd's! (hehehe). anyway, pwede kaya yung nabasa ko sa forum na kung ise-search nila yung bag ko eh, hahanapan ko sila ng warrant? bahala sila. ngapala, eto mga list ng new dvd acquisitions ko:
- The Hidden Fortress
- DMZ
- Hamburger Hill
- Yamakasi
|
posted by j.r.r. @ 15:17 |
|
|
Wednesday, February 16, 2005 |
sigsheet |
happy happy birthday sa pinakamagandang buddy ng isang ASPM applicant Batch 97-A, Karla! nawa'y patuloy pa rin ang pagdating ng sangkatutak na bulaklak sa iyong buhay!
o O o
speaking of buddy, naalala ko tuloy nung app pa lang ako sa org, ang hirap! lupet ng app process, sabi pa ng ibang tao noon, isa daw yung org na sinalihan ko sa may mga pinakamahirap na dadaanan. pero ok lang, nakaraos naman. eto mga ginawa ko bilang app, sayang nga walang mga pic eh (buti na lang, hehehe):
- napasali sa USC Quiz, ala na kasi ibang tao sa tambayan (Champion naman kami, hehehe)
- kumanta, sumayaw, nag-joke (kahit corny, corny daw ako poreber sabi nung AcadCom Head noon) para lang mapirmahan sa sigsheet
- nagcostume (angels ang theme noon pero ang gimmick ko, Dark Angel, kaya all black)
- nag-ballroom dancing sa steps ng east wing (sikip don ha!)
- tumakbo-takbo nang basa sa buong UP dahil umuulan-ulan pa nung Scavenger's Hunt namin
- naging Rudolph The Red Nose Reindeer na sumasayaw ng MMMBop sa Lagoon (astig antlers ko, gawa sa walang kasing tatag na sanga ng bayabas!)
- sumigaw sa Lagoon
o O o
ngapala, sa mga magli-link sa akin sa kanikanilang blogs (as if meron!), imbis na yung url ng blogspot ang ilagay nyo, yung sa dotTK ang gamitin nyo, ito yun http://www.jelzon.tk/
para astig di ba? wala lang mas gusto ko eh, para ok din ang likn na gagawin ko para sa inyo, iniisip ko nga, igagawa ko na lang kayo ng graphics na magrerepresent ng site nyo at yun ang gagawin kong link, katulad ng mga "sponsors" ko sa gilid. para astig din di ba?
|
posted by j.r.r. @ 07:15 |
|
|
Tuesday, February 15, 2005 |
in a flash |
this blog is now powered by pldt mydsl. woohooo!
o O o
masama ito. kanina habang walang magawa, nagsalang ako ng dvd, naisauli na kasi yung iba kong dvd's na pinahiram ko kahit di ko pa napapanood. aba, wala pang 10 minutes into the film eh inaantok na ako! ilang beses na nangyari ito.
o O o
alam nyo ba yung sa radio na kukurukuku? asar na asar ako du'n, ang corny! tapos kadalasan yun pang station na may pakana nun ang laging pinakikingan sa mga fx. anyway, nung pauwi ako ay masaya akong nakikinig sa mga ok na awit sa radio, nasa harap pa ako ng fx kaya todo enjoy, hehehe. aba, after ilang songs eh sumingit na yung dj. hmp, akala ko ito yung mga station na less talk, yun pala, talk and talk ito, at malala pa dun, siya yung kukurukuku station. eh di yon na nga, after magsalita nung dj at ilang ads, bumanat na siya. kelangan pa bang i-memorize yan? ppfft... sabi ko sa isip ko, ano na naman kayang kakornyhan ang ikakalat nito.
kukurukuku, bakit kaya niya tinatago ang selpon nya? siguro kase, mumurahen! langyan yan, tawa ako nang tawa.
|
posted by j.r.r. @ 10:34 |
|
|
Monday, February 14, 2005 |
ray |
happy valentine's day!
happy birthday kris aquino, CORRECT!!!!
napanood ko kanina, actually, katatapos ngayon-ngayon lang yung biopic ni Ray Charles starring Jamie Foxx. ang ganda, astig. nominated ba si Foxx sa oscars para dito? pero malamang di siya manalo, although ang galing ng pagka-portray nya dito ( sa malalayong kuha iisipin mo talagang si ray charles yun), dahil di kaya minus yung shades nya? di kasi nakikita yung expression nung mga mata! anyway, recommended ko ito. ang galing pala ni ray charles, naalala ko lang sya dahil sa participation nya sa We Are The World, at yung Pepsi commercial nya.
tsk, tsk, tsk, tumawag kanina yung pldt, darating daw sila anytime this day para magkabit nung dsl (yehey) eh hanggang ngayon wala pa! alas-4 pasado na! paano kaya ito, eh may stock pa ako ng prepaid internet cards eh, siguro ipopost ko na lang sa peyups yung username at password nung mga gamit ko na, pero meron pa rin, konti lang bawas nun, dahil laging madaling araw ginagamit.
"nanahara!"
scored a special edition dvd of Battle Royale (YEAH!!!), astig, now am hunting for the sequel.
|
posted by j.r.r. @ 16:25 |
|
|
Saturday, February 12, 2005 |
we are old school |
salamat sa barkada sa pagpunta sa championship ng Ginebra! nakita ko na kagabi yung video nina ethel booba at alex crisano, salamat kay yashko ng peyups. sila nga yun, kita mukha ni ethel kahit nung una ay tinatakpan pa nila ito. si alex naman, nangingibabaw ang boses sa pagnanarrate. ano naman ang pumasok sa kukote nyo at ginawa nyo yun? tsk tsk tsk. hayaan nyo, binura ko na sa PC ko ang video, at hindi na kakalat yun mula dito sa akin, ewan ko lang sa iba, hehehe. We Are The Champions!
Congratulations sa Back-To-Back Champions ng PBA! Brgy. Ginebra Gin Kings!
sa picture dito, sana di na sinama si commish. hmmm, sa habahaba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. daming kulay pa kasi ang inihalo nila dito sa finals eh, pula rin pala ang mangingibabaw. Go GIn Kings! Caidic, astig ah! Wahahaha!
|
posted by j.r.r. @ 15:12 |
|
|
Friday, February 11, 2005 |
blog ang mundo |
sinakop na ng mozilla firefox ang mundo, san ka pa navigator at explorer? pangalan pa lang talo na kayo!
mahaba-habang lakaran na naman ito, sana maalala ko yung dati kong blog. pansamantala, dito muna tayo. lecheng mozilla to, winala yung saved passwords ko. akala ko ok, nagloloko rin pala. sige pagbigyan, 1.0 pa lang naman eh.
anyway, speaking of blog, di ko pa nakikita yung video scandal ni ethel booba at alex crisano, may nakita akong pic pero para "makasiguro" dapat yung video ang makita. sabi nila, sina ethel nga daw talaga yun. pwede. malamang. bilog nga ang mundo. bilog na bilog ang ano ni ethel; mundo.
|
posted by j.r.r. @ 08:48 |
|
|
|
buhay isko |
Esem
Yano
D - A - Bm - G
D A
Patingin-tingin, di naman makabili
Bm G
Patingin-tingin, di makapanood ng sine
D A
Walang ibang pera kundi pamasahe
Bm G
Nakayanan ko lang pambili ng dalawang yosi.
D A Bm G
D A
Paamoy-amoy, di naman makakain
Bm G
Busog na sa tubig, gutom ay lilipas din
D A
Patuloy ang laboy, walang iisipin
Bm G
Kailangang magsaya, kailangang magpahangin.
CHORUS:
A G
Nakakainip ang ganitong buhay
A G
Nakakainis ang ganitong buhay
A G
Nakakainip ang ganitong buhay
A G
Nakakainis ang ganitong buhay
Repeat Chorus
D A
Gumagabi na, ako'y uuwi na
Bm G
Tapos na ang saya, balik sa problema
D A
At bukas ng umaga, uulitin ko pa ba
Bm G
Ang kahibangang ito, sa tingin ko hindi na.
Repeat Chorus
Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay.
D A Bm G
No.....no....no....no...
|
posted by j.r.r. @ 08:17 |
|
|
Thursday, February 10, 2005 |
newman |
Slap Shot!!!
my Slap Shot DVD is missing. alam nyo ba 'to? pelikula siya ni Paul Newman about hockey. astig tong move na ito lalo na yung Hanson Brothers! (hindi yung banda ha). nung isang gabi lang eh hawak ko ito dahil binalak kong panoorin uli. pinalabas kasi yung sequel niya starring one of the Baldwins (di ko maisip pangalan nya basta sya yung Barnie sa Flinstones sequel). di masyado maganda yung sequel ng slap shot, buti nga at naisalba ito kahit papano dahil andun uli yung Hanson Brothers.
The Hanson Brothers!!!
oh well, nandyan lang yan, sana makita ko agad. at sana maibalik na yung iba kong DVD's na nasa hiraman.
- Taboo
- Kundun
- House Of Flying Daggers
- Warriors Of Heaven And Earth
- American History X
- White Chicks
- Band Of Brothers 6-Disc Set
- Ran
- Dogdeball
- Basic Instinct Director's Cut
- Bruce Almighty
- Fahrenheit 9/11
- My Sassy Girl Director's Cut
- My Sassy Girl
sana yang mga yan lang ang nasa hiraman, baka may nawawala na talaga. wag naman.
|
posted by j.r.r. @ 23:38 |
|
|
|
his name is Tau |
cool robot pic huh? check out more of them here
A bottle of oil stood on the table half-empty or is it half-full as his mind was playing tricks on him again. That was the third time this afternoon that he thought he saw the bottle move. He didn’t like these sorts of things. It scared him, or at least, it made him uneasy. From the day he was brought here, he knew something wrong was happening. But what, he did not know. He tried to sigh, but no air came out of his mouth. He glanced at the bottle and thought he saw the oil ripple. It couldn’t be. The oil was black as night and his room twice as dark. He looked and there it was again.
|
posted by j.r.r. @ 18:40 |
|
|
|
About Me |
"Being Machiavellian need not imply cruelty, hostility, or manipulation for its own sake.
Rather, the Machiavellian is willing to be so, without the burden of external standards of virtue to achieve legitimate goals."
|
Previous Post |
|
Archives |
|
Shoutbox |
"Just what do you think you're doing Dave?" |
|
|
Sponsor |
|
Links |
|
Powered by |
|
|