Wednesday, February 23, 2005 |
bakit |
tagal pala na hindi ako nag-post. ano ba ginawa ko ng mga huling araw? kahit yung mga dvd ko na bagong bili eh hindi ko pa napapanood. o O o
nung 19 Feb pala ay hinatid namin sa airport ang ate ko papuntang tate. sa oxnard, california. nandun kasi ang kanyang stateside na asawa na si Manong Jerrold (ilokano kasi pamilya nila), dugong ilokano, tubong hawaii, california dude. sana ay masaya sila dun. anyway, nagpa-roaming ang ate ko sa Globe pero pagdating sa tate ay wala siyang signal, tumawag ako sa globe at sabi nila, feb 17 pa daw activated ang roaming nya, kaya kung ano ang problema itawag na lang daw ng Ate ko sa +6327301212 via landline collect. aba, eh lagi daw busy sabi ng Ate ko. kung ganun eh ipadala na lang nya uli dito yung mga callcards na supply nya at mag-apply na lang sya ng linya doon. o O o
kaka-commercial lang ng Special Assignment sa dos, pinakita yung locate feature ng Smart (smart lang namana ng meron nito). nabuko kasi ng isang mister ang kanyang misis na nagangaliwa dahil dito. huli daw si misi na nakikipaghalikan sa sinehan. Misis, sa susunod, kung magloloko ka, patayin ang cellphone, ok? wahahaha! oh kaya madali lang yan, i-unauthorize mo si Mister sa cellphone mo, just type WIS DEL Mister then send to 288, and voila! di ka na nya pwede ilocate. bantayan mo lang mabuti at baka pag tulog ka ay kunin uli ni mister ang cellphone mo at i-authorize ang sarili nya.
o O o
ok talaga itong dsl, download lang ako ng kung ano at buburahin after. nakakuha ako ng mga pinakaaasam kong mga dvd features na wala sa quiapo. burn na lang ng burn. di lang yan, pati yung mga albums ng fave kong artist ay nasa cd na. pero di naman yun piracy, meron ako nung mga yun sa cassette na orig, pero dahil cd era na, mas ok cd di ba? bakit kanyo cassette lang binili ko? masyado mahal ang cd noon no! ang mga paborito ko naman ay mga datihan pa, nirvana, blur, basta 90's rock, alternative, grunge, etc.o O o
dami ko nababasa na sayang daw dahil di nakasama si Sharon Galvez sa American Idol, tanong ko lang, bakit American ba siya? o O o
nakita nyo ba yung commercial ng shampoo kung saan nageskandalo yung bata nang hilahin ng isang batang lalaki yung ipit nya sa buhok? yung nanay naman nya, pal at agaw eksena sa paglugay ng buhok. ano kaya naramdaman ng bride? kung ako sa kanila, sisipain ko palabas ng simbahan ang dalawang yun! pero di mangyayari yun dahil sisiguruhin kong matino ang kukunin kong mga abay, walang iiyak-iyak, ang sumira sa marcha sa aisle, di makakapasok sa reception. o O o
salamat pala sa nag-link sa blog ko, kina nescafe_ice13 at masterchoi ng peyups. |
posted by j.r.r. @ 12:29 |
|
|
|
About Me |
"Being Machiavellian need not imply cruelty, hostility, or manipulation for its own sake.
Rather, the Machiavellian is willing to be so, without the burden of external standards of virtue to achieve legitimate goals."
|
Previous Post |
|
Archives |
|
Shoutbox |
"Just what do you think you're doing Dave?" |
|
|
Sponsor |
|
Links |
|
Powered by |
|
|